Minsan pag nagsisimba kayo, o nakasakay sa jeep, o nakikinig ng mahabang lecture, hindi ba nangyayari sa inyo yung parang namamnhid kayo o kaya naiisip na bakit nakikita ko yung mukha ng katabi ko, kaharap niyo, pero sarili niyo hindi niyo nakikita? Tapos naiisip niyo, bakit ganun? sino ba talga ako? Bakit ako nadito? Bakit ko sila kakilala? Bakit ako may hiya e hindi naman nila ako kilala talaga? Bakit may mata kayo sa mundong ito pero di niyo naman kontrolado lahat?Tapos makikita niyo yung kamay niyo gumagalaw at yung paa niyo, tapos nangagnati yung utong niyo tapos kakamutin niyo, kukurap, luluha, hihinga, sasakit ang tiyan. Tapos babalik sa tanong na sino ba ako talaga?
Para kang nasa malaking tv show na nararamdaman mo lahat, ikaw ang bida pero di mo kontrolado lahat ng eksesna. Hindi ikaw ang director. Tapos ang dami ninyong artista. Pero hindi lahat ng artista kilala mo. Hindi kailangan na telegenic at photogenic. May bobo, may super bobo at may bobo na "nag aartista talaga"
Tapos hihinto yung lecture, yung jeep, o yung sermon ng pare..tapos matatauhan ka kasi kailangan mo tumayo... makakalimutan mo na naman yung mga tanong sa isip mo kasi marami ka pang gagawin...
Nangyari na ba sa iyo yun?
Sa akin madalas.
Wednesday, February 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment